top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Death toll sa TS Kristine abot sa 81; state of calamity deklarado sa 83 lokalidad

Photo from ici.radio-canada.ca

10/26/24, 8:34 AM

Umabot sa 81 katao ang naiulat na nasawi sa pagbayo sa bansa ng
Tropical Storm Kristine, ayon sa Office of Civil Defense nitong Sabado (Oktubre 26).

Sinabi ni OCD Administrator at Undersecretary Ariel Nepomuceno na ang nasabing tala ng namatay ay kinukumpirma pa ng kanilang tanggapan bandang alas 12 ng tanghali.

Inilagay sa state of calamity ang 83 siyudad at munisipyo dahil sa matinding pinsala ng bagyo.

Ayon kay Nepomuceno, 66 na tao rin ang nasugatan habang 34 pa ang nawawala.

Sa tala ng OCD, may apat na milyong tao o isang milyong pamilya ang tinamaan ng matindi ng bagyo na pumasok sa bansa nitong Martes. Dahil sa mga baha at pagkasira ng maraming tahanan, may mga 311,468 katao ang nasa evacuation centers.

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council patuloy pa rin ang pagbaha sa 547 na lugar sa buong kapuluan.

Sa tantiya ng NDRRMC, ang pagkasira ng imprastruktura ay maaring umabot sa PHP203.82.

Samantala, ang pinsala sa agrikultura ay tinatayang aabot sa PHP87.52. Apektado ang 3,049 magsasaka at mangingisda, kasama ang 1,613.77 ektarya ng pananim.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page