top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Dahil sinasaktan si misis, pulis nabaril ng 8-anyos na anak

4/30/24, 3:56 AM

Trahedya ang sumapit sa isang pamilya sa Sagay City, Negros Occidental matapos mabaril ng isang 8-anyos na bata ang sarili nitong ama na isa ring pulis.

Kinilala ang biktimang si Police Staff Sgt. Lernie Alacha, 44, na nakatalaga sa Sagay City Police Station at residente ng Barangay Andres Bonifacio.

Batay sa ulat, nagtatalo ang biktima at live-in partner nitong si Irene Dayanan, 33.

Nakita umano ng bata ang ama nito na sinasaktan ang kanyang ina kaya hinanap nito ang Glock 17 9mm caliber na service firearm ng ama na nakalagay sa isang kahon.

Ikinasa ng bata ang baril at saka pinaputukan ang ama na tinamaan sa leeg bandang 1:10 p.m.

Rumesponde ang mga opisyal ng barangay sa pinangyarihan ng krimen at dinala ang biktima sa ospital, pero idineklara rin itong dead on arrival.

Isasailalim naman sa psychiatrist ang bata na ngayon ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inihahanda na rin ang mga legal na hakbang na gagawin dahil sa krimen.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page