top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Dagdag presyo sa produktong petrolyo aabot sa PhP1.50 sa Agosto 5

8/1/25, 9:29 AM

Ni Samantha Faith Flores

Malaking dagdag presyo ang ipatutupad sa susunod na linggo ng mga kumpanyang petrolyo para sa kanilang mga produkto.

Aabot sa PhP1.50 ang tinatantiyang dagdag sa presyo n bawat litro ng gasolina. Ang diesel naman ay may potensyal na tumaas ng PhP 1.

Base na rin sa apat na araw na Mean of Platts Singapore (MOPS), maaaring umabot sa PhP0.80 ang itataas ng presyo ng kada litro ng kerosena.

Ayon sa Oil Industry Management Bureau of Department of Energy, ang posibleng pagbaba ng supply ay naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Rodela Romero, direktor ng OIMB, may may karagdagang pangamba sa "supply disruptions” matapos na magbitaw ng sanctions si US President Donald Trump sa langis ng Russia at Iran.

Bagamat hindi pa lubusan iniipit ng US ang Russia, may plano naman umano ang Amerika na magdagdag ng mahigpit na sanctions, kasama na rin ang posibleng pagpataw ng 100 porsiyento tariff sa mga bansang bibili ng langis mula sa Russia.

Ayon kay Leo Bellas, pangulo ng Jetti Petroleum, mas konti ang suplay ngayon ng diesel habang ang stock ng gasolinang angkat sa Amerika ay patuloy na bumababa.

Kasama na rin ang pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar sa mga dahilan ng mataas na dagdag presyo sa presyo ng petrolyo ayon kay Bellas.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page