top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Conjoined twins na senior citizens pumanaw sa edad na 62

4/15/24, 12:20 AM

Ang conjoined twins na nagpamangha sa mga siyentipiko at mga batikan sa medisina dahil sa itinagal ng buhay nila ay namatay na bilang mga senior citizens sa edad na 62.

Inilabas sa Facebook ang pagpanaw ng magkapatid na sina Lori at George Shappell noong Abril 7 sa Hospital of the Unviersity of Pennsylvania sa Reading City.

Sa loob ng higit na 30 taon, ginulat ng magkapatid ang maraming experto sa siyensiya at medisina nang malagpas nila ng 32 taon ang itinaning na 30 taon na kanilang pamamalagi sa mundo.

Kinilala ang magkapatid bilang “oldest living conjoined twins” by Guinness World Records.

“When we were born, the doctor’s didn't think we’d make 30, but we proved them wrong,” buong pagmamalaking sinabi ni Lori sa isang interview nang magdiwang sila ng ika-50 kaarawan.

Ang dalawa ay magkadikit sa bungo nang ipinanganak sa West Reading, Pennsylvania noong Sept. 18, 1961. Magkahiwalay naman ang kanilang mga utak.

Si George, na mayroong spina bifida na depekto sa gulugod (spine), ay mas mababa ng apat na pulgada sa kapatid nito. Siya ay isinasakay sa wheelchair noong buhay pa.

Bagamat magkadikit sa bungo, nagtiis ang dalawa sa kanilang maselang sitwasyon at nagpursigi upang makatapos ng high school at nagsimula pang mag-aral sa unibersidad.

Mahalaga sa kanila na maging independiente sa isa’t-isa hanggang maaari, ayon sa kanilang obituary.

Ayon pa sa salaysay ng pagkamatay ng Schappell twins, si Lori ay nagtrabaho sa isang hospital laundry ngunit bagamat magkasama sila palagi siya lamang ang tumatanggap ng suweldo para sa kanyang pagtatrabaho.

Tumigil si Lori sa pagtatrabaho noong 1996 upang mapagbigyan naman ang kapatid na magpatuloy sa kanyang karera bilang country singer.

Noong 2007, nag-out si George bilang isang transgender.

Ikinatuwa pa ng marami na nakapag-bowling pa si Lori at nagwagi ng tropeo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page