NEWS
Comelec naglabas ng resolusyon sa pag-aresto ng mga vote buyer at seller
%20(11).jpeg)
Tanggapan ng Comelec sa Intramuros. (Larawan mula sa Radyo La Verdad)
2/4/25, 6:44 AM
Ni Tracy Cabrera
INTRAMUROS, Maynila — Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng isang resolusyon upang hayaan arestuhin ng mga alagad ng batas na dakpin ang sinumang mahuling vote buyer at seller kahit walang warrant of arrest kapag naaktuhan ang mga itong namimilino nagbebenta ng boto.
Pinakawig ng Comelec Resolution No. 11104 ang kapangyarihan ng Committee on Kontra-Bigay upang bantayan ang mga insidente o kaso ng vote buying at selling para sa Eleksyon 2025 sa Mayo 12 ng tong kasalukuyan.
Batay sa nasabing resolusyon, pinapayagan ang 'warrantless arrest' ng isang alagad ng batas kung personal masasaksihan nito ang ganito ng gawain o pagtatangkang kavagin ang mga akitutunin ng elejson ngayong taon.
“Maaaring arestuhin ng sinumang law enforcement officer, bang walang warrant, ang isang indibiduwal, sa kanyang presensya, na aktuwal na nagsasagawa o nagtatangka na labagin ang polisiya laban sa vote-selling o aksyon ng ASR (abuse of state resources),” nakasaad dito sa wikang Ingles.
Samantala, nakapag-imprenta na ang Comelec ng mahigit siya na milyon balota subalit hinayag din nito na gagamit pa sila ng karagdagang 250 mga verifier machine sa kasalukuyang 800 upang suriin ang mga depekto sa naimprenta ng mga balota.
“Manu-mano iyong pag-verify. As of noong Sabado, sa 500 na makina para sa machine verification, 250 pa lang ang na nagagamit. So yung 250 plano gamitin mula ngayong araw onwards,” ani Comelec chairman George Erwin Garcia.
Kinokonsidera din ng Comelec ang paggamit sa headquarters ng National Irrigation Administration at ang Amoranto Sports Complex bilang lugar para sa beripikasyon ng mga balota.
Bukod dito, hiniling din ng Comelec kay Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na mag talaga na ng dalawang commissioner kasunod ng pagretiri nina Commissioner Soccorro Inting at Marlon Casquejo.
“Ang ginagarantiya ko naman sa inyo, kahit tayo ay natalaga ng present administration, siguro naman napapatunayan natin iyong impartiality natin,” pinunto ni Garcia.
