NEWS
Chinese Navy patrols minanmanan ang US-PH joint exercises sa South China Sea

1/5/24, 5:20 AM
Minanmanan umano ng dalawang sasakyang dagat ng Chinese navy noong Huwebes (Enero 4) ang pagsasagawa ng pinagsanib na patrol exercises ang Pilipinas at kaalyado nitong Estados Unidos.
“Kinukumpirma namin ang presensya ng dalawang PLA-N (People’s Liberation Army Navy) sasakyang pandagat mula sa malayo at nagmamanman ang mga ito sa mga kasanib ng Maritime Cooperative Activity,” ayon kay Col. Xerxes Trinidad, helpe ng AFP public affairs office.
Bagamat tumataas ang tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas na kapwa nag-aangkin ng karapatan sa malaking teritoryo sa South China Sea, hindi naman tumitigil ang pangha-harass ng mga higit na modernong sasakyan pandagat ng China laban sa mga mangingisda at ilang pang vessels ng Pilipinas na lumalayag sa exclusive economic zone ng bansa.
Sinimulan noong Miyerkules ang joint exercises ng US at Pilipinas sa South China Sea. Pinangunahan ng US Navy Carrier Strike Group-1 na kasama ang USS CArl Vinzon, isang Nimitz-class aircraft carrier, ang ehersisyo ng mga pwersang pandagat ng dalawang bansa.
Ipinaliwanag ng mga opisyal na ang dalawang araw na pinagsanib na ehersisyo ay para masuportahan ang matagal nang samahan ng mga militar ng magka-alyado.
Layunin din ng South China Sea exercises na hasain ang pinagsamang kakayahan ng US at Pilipinas sa karagatan.
Minamasama ng pamahalaang Tsina ang umano’y pangingialam ng kapwa nito world power sa kontrobersiyang bumabalot sa territorial dispute laban sa
Kasama sa pinagngingit ng China ang umano’y pagsulsol ng Amerika sa Pilipinas upang magmatigas ito at patuloy na kumilos ng mga aksyong mapanghamon.
Ngunit matatandaang hindi naman binawasan ng Tsina ang pangha-harass at pambu-bully nito sa SCS kahit na maliliit na mangingisdang Pilipino lamang ang lumalayag dito.
Simula noong Disyembre, lalo pang nagpakita ang Tsina ng pagiging dominante nito sa pamamagitan ng paghaharang at pambobomba ng water cannon sa Philippine supply convoys para sa nabalahaw ng Philipine Navy ship na BRP Sierra Madre sa teritoryo nito sa bandang Second Thomas Shoal.
Maraming beses nang nagsampa ang Pilipinas ng mga diplomatic protest laban sa mga mga ikinikilos na labag sa mga kinikilalang pandaigdigang batas ng Tsina.
