NEWS
China nakikialam sa mid-term elections?

Photo from globalnation.inquirer.net
4/24/25, 9:01 AM
Ni Samantha Faith Flores
May mga indikasyon umano na nakikialam ang China sa gagawing halalan sa Pilipinas sa Mayo.
Sinabi ito ni National Security Council Asst. Director General Jonathan Malaya sa isinagawang hearing ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones na isinagawa nitong Huwebes (Abril 24).
Ngunit hindi masyadong kumbinsido sa tinuringan ni Malaya ang ilan sa mga nanood ng hearing sapagkat tila pilit lamang ang kanyang sagot at wala itong naibigay na malinaw na batayan ng kanyang sinabi sa Senado.
“There are indications that information drive are being conducted or that Chinese state-sponsored groups in the Philippine are actually interfering in the forthcoming elections,” sabi ni Malaya.
Ang kanyang pahayag ay sagot ni Malaya sa mga katanungan ibinato ni Sen. Francis Tolentino na siyang tagapangulo ng inquiry.
Inalam ni Tolentino mula kay Malaya kung mayroon indikasyon na pinanghihimasukan ng China ang mga kandidato na may anti-China sentiments.
Tinanong din ng senador kung ang may kasalukuyang mga operasyon ang China upang suportahan ang mga kandidato na nais nilang manalo sa darating na Mayo 12.
Sumagot ng oo si Malaya.
Ayon kay Malaya may mga senyales na gumagamit ng “local proxies” ang Beijing upang ipakalat ang nais ng China sa mga isyung may kinalaman sa pag-aagawan ng teritoryo sa West Philippine Sa.
“The script from Beijing, they say it in the Philippines. We can see that,” diin ng ehekutibo ng NSC.
Sinabi niya na natukoy na ng NSC ang mga local proxies na nakikipag-kutsaba sa China tungkol sa halalan.
