top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Casino kinondena AKAP distribution sa campaign period: Buwis gagamitin sa vote buying 4:59 PM

Photo from philstar.com

1/10/25, 8:59 AM

Ni Samantha Faith Flores

Malinaw na vote buying ang pakay ng pamahalaang Marcos sa pagiit na magpamudmod ng cash aid sa panahon ng kampanyahan para sa mid-term elections.

Ito ang idiniin ni dating Rep. Teddy Casiño matapos na payagan ng Commission on Elections na ipagpatuloy ng Department of Social Welfare and Development ang pamimigay ng pinansyal na tulong ang mga botanteng kapos ang kinikita kahit sa panahon ng kampanya o campaign period.

“While social protection should be ensured and continuous for all, the exemption of AKAP from the ban puts in place a P26 billion, tax payer funded vote buying scheme designed by politicians for politicians,” paliwanag ni Casiño na tumatakbo sa pagka-senador.

“Kung tunay ang hangaring magbigay ng ayuda na walang bahid ng pulitika, dapat i-suspend ang AKAP sa buong campaign period. Pwede namang after na ng eleksyon ito ipamudmod,” ayon sa kanya.

Lumalakas ang pagtutol sa AKAP na ipinapatupad ng DSWD ngunit pinapagyagang paki-alaman ng mga senador at mga kongresista na silang nagpasa ng nasabing financial assistance program para sa mga maliliit ang kinikita.

Sa halos lahat ng payout na isinagawa noong nakaraang taon, laging naroroon ang mga pulitiko upang ipakita na sila ang dahilan sa pamimigay ng salapi.

Ang ganitong eksena ay ipagbabawal na sa 2025, ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Bukod sa mga mambabatas, ipinagbabawal na rin ni Gatchalian ang pangingialam ng mga opisyales ng bawat barangay.

Ngunit hindi pa rin makumbinsi si Casiño na naniniwalang “pork barrel”ng mga mambabatas ang PHP26.7 bilyon na AKAP funds.

“The spending ban of public funds was put in place to equalize the playing field for all candidates, especially incumbent officials and candidates favored by the sitting administration. More importantly, it is a means to shield government funds from partisan politics,” ayon kay Casiño.

Sinabi ng dating kongresista na sinimulan gamitin sa pamumulitika ang mga DSWD funds noong 2023 nang itulak ng pamahalaang Marcos ang people’s initiative para sa charter change.

“Mula 2024 ay pinapamudmod naman ang AKAP sa mga constituents ng mga senador at congressmen,” pag-akusa nito.

Dagdag ni Casiño: “Malacañang and the DSWD claim they will require additional forms and vetting procedures to prevent this. But we know AKAP is already allocated by congressional district and senator.”

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page