top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Batas sa pagtanggal ng excise tax sa petrolyo pirmado na sa Marso 25

3/25/26, 11:00 AM

Nakatakda pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ngayong Miyerkules (Marso 25) ang ipinasang bill ng Kongreso na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang pansamantalang bawiin ang excise taxes na ipinapataw sa mga produktong petrolyo.

Sa isang media briefing nitong Miyerkules (Marso 25) ipinahayag ni Marcos na ang bill na sinertipikahan niyang apurahan ay naipadala na sa Malacañang para sa kanyang lagda.

“Nakipag-ugnayan din tayo sa Kongreso upang mabawasan at alisin na ang excise tax sa langis. Yan ang batas na hinihingi natin sa unang una,” paliwanag ni Marcos sa mga mamamahayag.

Dagdag ng pangulo: “Natapos na ang kanilang pag-aaral sa batas na yan at nasa amin na, at siguro by the end of today, I will be able to sign that into law already.”

Hindi pa masiguro kung anong mga kondisyon ang dapat umiiral upang tuluyan nang tagpasin ang excise taxes sa produktong petrolyo.

Ayon kay Marcos magkakaroon ng problema sa tamang tiyempo sa pagsagawa nito sapagkat paiba-iba ang takbo ng pagtakda ng presyo ng mga produktong langis.

“Although we cannot be assured right now of the supply, we can be sure that at least for 45 days we will be all right. I think that we can be fairly confident,”pahayag ng pangulo.

Idinagdag pa niya na kasalukuyang nakikipagnegosasyon ang pamahlaaan upang makapag-angkat ng dagdag na sulay mula sa Japan, China, South Korea, India at Russia.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page