top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Barko ng PCG, BFAR regular nang ide-deploy sa Scarborough

2/16/24, 9:20 AM

By MJ Blancaflor

Simula ngayoong Pebrero, magkakaroon ng rotational deployment ang mga barko ng pamahalaan sa Scarborough Shoal, na mas kilala rin bilang Bajo de Masinloc o Panatag, upang tiyakin ang proteksyon ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Inanunsyo ito ni National Security Adviser Eduardo Año noong Biyernes, Pebrero 16, na sinabi ring kasalukuyang nagsasagawa ng patrol operation ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lugar.

"Through a comprehensive whole-of-government approach, we stand unwavering in our mission to protect our sovereignty and safeguard our national interests in the West Philippine Sea," ani Año.

Ito raw ang dahilan kung bakit nagpatrolya sa Scarborough ang PCG ship RP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BFAR vessel BRP Datu Tamblot (MMOV-3005) noong Pebrero 1-9.

Nagsasagawa rin daw doon ng patrol efforts ang BRP Datu Tamblot simula Miyerkules, Pebrero 14.

Sabi ni Año, ipinag-utos rin daw ng pamahalaan sa PCG at BFAR na ipagpatuloy ang resupply mission sa Scarborough upang mabigyan ng libreng gasolina, food packs, at groceries ang mga mangingisdang Pilipino roon.

Ang Scarborough ay bahagi ng Masinloc, Zambales at nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Noong 2012, donomina ng China ang Bajo de Masinloc matapos ang isang standoff sa pagitan ng mga sasakyang pandagat ng Manila at Beijing.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page