top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Bam Aquino naghahanda na sa 2025 senatorial elections

5/15/24, 3:45 AM

Tatakbong senador sa 2025 midterm elections si dating Senador Bam Aquino.

Kinumpirma iyan ng dating mambabatas sa kanyang panayam sa ANC Headstart nitong Martes, Mayo 14.

"Naghahanda na kami at handa na rin akong bumalik sa larangan ng politika. Handa ako maging boses ng walang boses sa Senado. I’m ready and we’re preparing for it," saad niya.

Kakandidato si Aquino sa ilalim ng bagong political party na Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KNP), na kaniyang pamumunuan.

Ayon kay Aquino, motibasyon niya raw ang pangangailangang tugunan ang mga pangunahing isyu sa bansa tulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at karagdagang sahod.

"Makikita mo ‘yung bansa natin ang daming kababayan natin pakiramdam nila hindi sila napapakinggan," paliwanag niya.

"I think more people who want to bring back the issues doon sa pangangailangan ng taumbayan, need to engage and be part of political process," dagdag pa ni Aquino.

Plano rin ni Aquino na kumandidato sa pagkasenador noong 2022 national at local elections, pero umatras siya upang tumayong campaign manager ni dating Vice President Leni Robredo para sa pagkapangulo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page