top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Bad news sa pagtaas ng presyo ng langis hindi pa rin huhupa

Photo from andera.inquirer.net

2/13/26, 12:07 PM

Ni Samantha Faith flor

Isang malaking dagok na naman ang kahaharapin ng mga motorista matapos na mapag-alaman na itataas na muli ang presyo ng mga produktong langis sa darating na linggo.

Malaki ang dagdag presyo na inaasahan at ito ay tinatantyang umabot sa PhP1.60 bawat litro.

Ang patuloy na tensyon sa pagitan ng United States at Iran ang sanhi ng patuloy na pag-akyat ng presyo ng mga produktong langis.

Ayon sa Jetti Petroleum forecast, ang presyo ng gasolina ay tinatayang magkaroon ng dagda mula PhP1.40 hanggang PhP1.60 bawat litro.

Mula PhP0.50 hanggang PhP0.70 per liter naman ang maaaring dagdag sa presyo ng krudo.

Ayon sa Jetti ito ay base sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at halaga ng foreign exchange averages noong nakaraang linggo.

“Oil prices have remained elevated and volatile this week as the threat of US-Iran conflict remains. Iran-related Western sanctions and tariff threats on countries buying Iranian goods have added to the price volatility,” paliwanag ni Leo Bellas, pangulo ng Jetti Petroleum.

Noong Pebrero 10, nagdagdag ng PhP1.00 sa gasolina at PhP0.60 naman sa kerosene.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page