NEWS
Baby patay matapos ipasok ng ina sa loob ng oven

2/25/24, 1:50 PM
Ni MJ Blancaflor
Trahedya ang kinahitnatnan ng pagkakamali ng isang ina sa Missouri, United States na ipasok ang kanyang anak na sanggol sa oven na napagkamalan niyang crib.
Ayon sa ulat ng "The Guardian," nahaharap ngayon si Mariah Thomas sa kaso matapos matagpuang patay at puno ng burn marks ang katawan ng sanggol na pinangalanang Za’Riah.
Kwento ng isang witness, pinapatulog ni Mariah ang kanyang anak nang aksidente nitong ipasok ang sanggol sa loob ng oven. Hindi nakadetalye sa ulat kung paano nagkamali ang ina ng bata.
Sa hiwalay na ulat ng "The Daily Beast," sinabi ng isang malapit na kaibigan ni Mariah na mayroon itong mental illness ngunit napilitang ihinto ang gamutan nang mabuntis.
Hindi na raw ito muling uminom ng gamot matapos manganak at madalas nang nakakaramdam ng kalungkutan, ayon sa isang kamag-anak.
"She thought everyone only likes her because her daughter was born, and she didn’t like that at all," sabi ng isang kaibigan ni Mariah.
"She wanted everyone’s attention, too, just like Za’Riah was getting attention," dagdag nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni Jackson County prosecuting attorney Jean Peters Baker na umaasa siyang mabibigyan ng hustisya ang karima-rimarim na pagkamatay ng sanggol.
"Our hearts are weighted by the loss of this precious life. We trust the criminal justice system to respond appropriately to these awful circumstances," sabi niya.
