top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

74-anyos pinaghihinalaang pumatay sa 7-anyos na natagpuan sa loob ng isang sako

3/18/24, 6:05 AM

Ni MJ Blancaflor

Isang 74-anyos na lolo sa General Santos City ang pinaghihinalaang pumatay sa isang pitong-taong-gulang na babae na natagpuang patay sa loob ng sako.

Batay sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, tatlong araw nang nawawala ang biktima bago natagpuan ng mga awtoridad ang kanyang labi sa isang bakanteng lote sa Purok 9, Barangay Conel sa General Santos City.

Paniwala ng mga awtoridad, pinagsamantalahan muna ang biktima bago ito pinatay sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang t-shirt nito.

Kinumpirma ng pamilya ang pagkakakilanlan ng batang babae dahil nag-match sa kanya ang mga damit na natagpuan sa loob ng sako.

Pinagsususpetsahan ang 74-anyos na kapitbahay ng biktima, ayon sa mga pulis.

Natagpuan daw sa bahay nito ang dalawang kutsilyo at dalawang t-shirt na may marka ng dugo ng biktima.

Maaari itong humarap sa kaso ng rape with homicide, dagdag pa ng mga awtoridad.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page