top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

73-anyos na lola patay nang mabundol ng e-bike

4/6/24, 3:00 PM

Isang 73-anyos na lola ang namatay matapos mabundol ng electric bicycle o e-bike sa Marikina City noong Biyernes (Abril 5).

Dead on arrival sa ospital si Luzviminda Bisares, dahil sa mga tinamong pinsala sa ulo at sugat sa braso. Nagkaroon umano ng internal bleeding ang biktima dahil sa pagkakabangga ng e-bike.

Hindi pa kinikilala ang e-bike rider ngunit siya ngayon ay naka-detine sa Marika Police Station. Siya ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Nahagip ng CCTV ang pangyayari at tila lumalabas sa footage na walang pagkakasala ang senior citizen sa nangyari.

Bagamat walang sagabal sa kalye at maluwag ito, nabundol pa rin ng dumaraang e-bike si Bisares na noon ay tumatawid sa kalye.

Nakita sa CCTV na naka-payong pa si Bisares at malinaw na halos nasa kalagitnaan na ng kalsada nang banggain.

Sa panayam kay Samatha Bizares na apo ng biktima, nagpakita ito ng galit at sama ng loob dahil sa hindi maipaliwanag na kilos ng rider.

Ayon kay Samantha binagga at sinagasaan ang kanyang lola at namatay dahil sa tinamong “brain injury” at “putol” sa braso.

Poot ang naramdaman ni Samantha dahil sa halip na itakbo agad sa ospital si Bisares, ay tinabi lamang ng nakasagasang rider ang matanda sa kalye.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page