top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

5 dayuhan kinasuhan ng mahigit ₱5-B tax evasion

3/25/25, 8:53 AM

Ni Tracy Cabrera

ERMITA, Maynila — Naghain ang Department of Justice (DoJ) ng ₱5.7-bilyong tax evasion case laban sa limang dayuhan, na pawang mga Chinese national, kaugnay sa large-scale smuggling ng mga sigarilyo na natuklasan sa joint operation ng the Bureau of Internal Revenue (BIR) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Valenzuela City at lalawigan ng Bulacan noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Makaraan ang halos apat ns buwang imbestigasyon at pagsisiyasat, natunton ng Valenzuela Office of the City Prosecutor of Valenzuela ang sapat na ebidensyang sumusuporta sa hinain reklamo ng BIR laban sa limang suspek, kaya humantong sa pormal na pagsampa ng kaso Court of Tax Appeals (CTA) nitong Marso 13, 2025.

Hindi ng binanggit ang pagkakakilanlan o mga pangalan ng mga suspek subalit gayun pa man ay mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Section 258 (Unlawful Pursuit of Business) alinsunod sa Section 236, at Section 263 (Unlawful Possession of Articles Subject to Excise Tax Without Payment of the Tax) sa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1997, as amended.

Nakumpiska mula sa mga dayuhang Intsik ang 21,000 mga master case ng mga sigarilyong walang bayad na buwis sa mga pagsalakay ng isinagaea ng mga awtoridad noong Nobyembre 6 at 7, 2024. Sa tantiya ng BIR, aabot sa ₱5,764,761,450 ang tax liability ng mga ito.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page