NEWS
40% fare discount para sa seniors, PWD sasakay ng PUV may subsidy sa gobyerno

4/14/26, 10:30 AM
Ni Ralph Cedric Edralin
Hindi lamang 20%, kundi 40% ang diskwentong dapat ibawas sa pamasahe ng mga senior citizens na sumasakay sa mga public utility vehicles na nakatatanggap ng subsidiya mula sa pamahalaan.
Ito ang ipinaalala ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes sa publiko, higit sa mga tsuper at konduktor na nakakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
“The added discount is one of the conditions of the DOTr net service contracting program, which covers 823 routes of PUJs, buses, and the EDSA carousel,” ayon kay Ordanes.
Dagdag ng kongresista: “Malaking tulong itong net service contracting sa mga driver at operator kabilang na diyan ang maraming senior citizens na namamasada.”
Bukod sa mga nakatatandang Filipino, benepisaryo rin ng programa ang mga persons with disabilities at estudyante.
“Mahusay na programa ito dahil targeted response measure. Masinop na paggamit ng ponding umaabot sa PhP800 million,” pahayag ni Ordanes.
“I note and like the GPS technology component of this program. GPS devices will be attached to the participating units, The GPS will record the distance traveled by each vehicle,” paliwanag niya.
Ayon kay Ordanes ang ganitong paraan mga LTFRB franchised units lamang ang maaring maging kwalipikado.
Sa pahayag ng Department of Transportation, ang Net Service Contracting Program ay magsisimula na sa Abril 15 sa piling mga ruta.
Ang mga pasahero ng jeepney na kalahok sa programa ay mabibigyan ng 20 porsiyentong diskwento ibabawas sa regular na pamasahe.
