NEWS
12 pulis, kasama ang retiradong heneral, pinangalanan, kinasuhan sa Napolcom

7/15/25, 4:31 AM
Ni Samantha Faith Flores
Pinangalanan at kinasuhan na ng mga kasong administratibo ang isang police general at 11 pang mga miyembro ng Philippine National Police na umanoy mga dumukot at pumatay sa mahigit sa 34 sabungero na napagbintangan nandaya sa sabungan ng negosyanteng si Charlie “Atong”
Ang noong 2021 -2022.
Kasama ang ilan kaanak ng mga nawawalang sabungero, nagtungo si whistleblower Julie “Dondon” Patidongan alias Totoy sa National Police Commission noon Lunes (July 14) upang ipagharap ng reklamo ang mga pulis.
Nasa restricted custody na ng PNP ang 11 sa mga nademanda. Tatlo pa ang nasa kustodiya ng mga awtoridad na hindi kasama sa mga kinasuhan ni Patidongan.
Kasama si retiradong Police Lieutenant General Jonnel Estomo sa mga pulis na isinabit ni Patidongan sa missing sabongero case.
Ang iba pa ay sina:
- Police Colonel Jacinto Malinao Jr.
- Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa
- Police Major Mark Philip Almedilla
- Police Executive Master Sergeant Aaron Ezrah Cabillan
- Police Chief Master Sergeant Arturo dela Cruz Jr.
- Police Staff Master Sergeant Joey Encarnacion
- Police Staff Master Sergeant Anthony Manrique
- Police Staff Master Sergeant Andreson Abale at
- Police Staff Sergeant Alfredo Andres.
Kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer ang isinampa laban sa kanila.
Ayon kay Napolcom Executive Officer Rafael Vicente Calinisan nahaharap sa mga parusang suspension at demotion hanggng dismissal from service ang mga pulis sakaling mapatunayang nagkasala.
Ilalabas ng Napolcom ang desisyon sa kaso makaraan ang 60 araw.
“Si General Estomo ay isang Alpha member . Siya ang isa sa mga taong narekomenda kay Mr. Atong Ang na ipapatay ako,” paratang ng tumatayong testigo sa kaso.
Ayon sa kanya tumatanggap ang mga Alpha member ng Pitmaster Group ng buwanang suweldo. Umaabot umano sa PhP70 milyon ang pinaghahati-hatian ng mga Alpha members.
Ang Pitmaster ay negosyong sabungan ni Ang kung saan isinagagawa ang online sabong na naging popular noong pagpasok ng 2020’s.
Sinubukan kunin ng news media ang panig ni Estomo ngunit hindi ito sumasagot sa mga tawag at text.
