top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

1,000-taong Naked Festival ng Japan winakasan na dahil sa pagtanda ng mga kasali

2/18/24, 1:00 PM

Dahil sa pagtanda ng mga deboto at mga tapangasiwa, winakasan na sa Japan ang 1,000-taon nang ritwal na Hadaka Matsuri festival na mas kilala bilang “Naked Festival”.

Ipapalit sa ritwal ang pagdarasal ng mga tao upang mapanatili ang mga sumasali sa taunang selebrasyon bagamat matatanda na sila.

Taon-taong ginaganap sa Kokuseki Temple sa Iwate Prefecture tuwing ika-pitong araw ng Lunar New Year, natapos ang kahuli-hulihang seremonya noong Sabado (Pebrero 17).

Ang pinakahuling selebrasyon ay pina-igsi at natapos bandang alas 11 ng gabi bagamat kinilala ng mga organizers na ang Pebrero 7 ritwal ay dinaluhan ng pinakamaraming tao kumpara sa mga nakaraang taon.

Naging tradisyon ang kapistahan may 500 taon na ang nakaaraan sa ilalim ng Muromachi Period na nagsimula noong 1338. Hinihiling ng mga sumasali sa ritwal ang masaganang ani at buhay na marangya at komportable para sa lahat.

Subalit sa mga nakaraan taon, naging mabigat na pasanin na sa mga sumasama sa ritwal ang nakakapagod na gawain.

Sa panayam sa mga reporters, inamin ni Daigo Fujinami, isa sa mga namamahala ng selebrashyon, na lubha talagang nahihirapan na ang mga sumasali sa seremonya at nahihirapan na rin silang mag-organisa.

Ang pagtanda ng populasyon, higit ang mga kalalakihang dating malalakas at aktibo ay tumanda na rin.

Ang ritwal ay dating sinasalihan ng 1,000 kalalakihan. Ito ay nagsisimula sa dapit-hapon kung saan ang mga Kabataan lalaki ang pinasasali. Sa gabi, ang lahat ng mga kasali ay tumatakbo ng isang oras sa templo.

Inaasahan naman na ang mga kalalakihan ay maliligo sa napakalamig na tubig bago sila tumakbo patungo sa pangunahing temploy.

Pagsapit ng alas 10 ng gabi, isinasara na ang mga ilaw at isang monk ang makikitang nagbabato ng 100 maliliit na sanga at dalawang tinatawag na shingi baton sa mga kalalakihang kasali. Pag-aagawan ang lucky baton ng mga ito.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page