NEWS
₱5k fuel subsidy handa na para sa mga PUV driver, operator

3/12/26, 8:45 AM
Ni Tracy Cabrera
MALAKANYAN, Maynila — Sa layuning maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo sanhi ng giyera sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, Israel at kanilang mga kaalyado, inanunsyo ng Malakanyan na makakatanggap ang mga public utility vehicle (PUV) driver at operator sa Metro Manila ng ₱5,000 fuel subsidy simula sa Marso 17 sa susunod na linggo.
May layuning mabawasan ang impact ng dagling pagtaas sa pump prices, ang subsidiary ay ipapatupad sa buong bansa matapos sa Kalakhang Maynila.
Hinayag ito ng Palasyo makaraang makipagpulong ang acting executive secretary ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na si Ralph Recto sa Metro Manila Council (MMC) at mga pinuno ng iba't ibang departmento at ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa usapin. government departments and agencies.
Sa nabanggit ng pulong, tinukoy ni Recto na “as mayors, you are the ones who know best the real situation and the number of tricycle and jeepney drivers in your cities.” “Th(is) is why our cooperation is important. With good coordination and simultaneous action, we can deliver assistance faster to every driver in need,” kanyang dinagdag.
Bilzng reaksyon, nag-commit naman si San Juan mayor Francis Zamora na isa pang round ng cash aid ang ipapamahagi kung sakaling magtuloy pa ang krisis sa Middle East.
Samantala, inanunsyo din ni Department of Transportation (DoTr) secretary Giovanni Lopez na nakikipagkoordinadyon na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at kaukulang mga local government unit (LGU) para sa rollout ng pinangakong subsidiya.
Ayon sa kalihim, mauuna ang mga tricycle driver sa Kamaynilaan na tatanggap ng ayuda at susunod sa kanila ang mga driver at operator ng mga jeepney, taxi, transport network vehicle service unit at bus.
Nakikipaugnayan na rin ang DoTr at DSWD sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa validation ng listahan ng mga benepisyaryo.
Tiniyak naman ni Department of Social Welfare and Development secretary Rexlon 'Rex' Gatchalian na ang mga driver sa mga lalawigan ay makzkatanggap din ng cash assistance sa sandaling naipalahagi na ito sa Metro Manila.
“We will just kick it off in Metro Manila, but the payouts will quickly follow in other areas. One after the other, these will happen because the DSWD has nationwide offices that can conduct simultaneous payouts,” ani Gatchalian.
