top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

“Kill senators” remarks ni Duterte: PNP-CIDG nagsampa ng kaso; NBI “rhetorics” lang yan

2/17/25, 9:41 AM

Ni Samantha Faith Flores

Sinampahan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ng mga reklamong inciting to sedition at unlawful utterances laban kay dating Pangulo Rodrigo Duterte dahil sa kanyang umanoy suhestiyon na pagpapataying ang mga senador.



Inireklamo ni CIDG chief Brig. Gen. Nicholas Torre III si Duterte ilang oras matapos na matapos sabihin ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago na “rhetorics” at parte ng propagandang pulitikal ang nasabi ni Duterte campaign rally ng in-endorso niyang mga senatorial candidates para sa darating na halalan.



Na rally noong Huwebes sa Maynila, sinabi ni Duterte sa publiko na dapat patayin na lamang ang mga senador upang magkaroon ng bakante sa Senado.



“If we can kill about 15 senators, then we can all get into the Senate. That would be a pity though. Some of them are really annoying. But not all,” bitiw ni Duterte habang nagtatawanan ang nagpapalakpakan ang tao.



Bukod kay Torre, pinatos din ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. ang nasabi ni Duterte at sinabing “hopeless” na lagay sa halalan ng mga kandidato ni Duterte kung kaya nagmungkahi ang dating lider na pagpapatayin na lamang ang mga senador.



“Well, that’s the problem for a person whose only solution to all the problems is to kill Filipinos,” sinabi ni Marcos.



Ayon kay Torre hindi na biro ang mga binitiwang salita ni Duterte.



“Hindi na puwede ‘yung ganung statements nakinaumagahan ay joke only na lang. Ang guto na nga ng pinagdaanan ng bansa natin int he apst six years, hanggang ngayon ba naman dadalhin natin ‘yang gulo na ‘yan?” paliwanag ni Torre.



Inihain ni Torre ang mga reklamong kriminal laban kay Duterte sa Department of Justice.



Bago ito sinabi ni Santiago na naniniwala siyang dapat lamang ilagay sa tamang konteksto ang sinabi ni Duterte sa isang political rally.



“Nakikita ko, rhetorics lang ‘yan, part lang ng kanilang political propaganda,” paliwanag ni Santiago.



“During the past administration nung si president Duterte na laging ganayan puro patayan. Pagkasinira niyo ang kabataan ng bayan papapatay kita. “Yung mga ganung salita ni presidente, bina-bite ‘yuin ng ating mga mamamayan. But then time has changed,” ayon sa hepe ng NBI.



Dagdag niya: “Maaari ‘yung mga tirada ni presidente (Duterte) na ganun, puro patayan, wala na tayo sa tmosphere ng patayan. Ngayon, kailangan na katahimikan.”



Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page