top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

"Hindi susuko sa ICC!" — Senador 'Bato'

Dating 'Top Cop' at reelectionist senator 'Bato' Dela Rosa. (Larawan mula sa Inquirer.net)

3/24/25, 2:05 PM

Ni Tracy Cabrera

SENADO, Lungsod ng Pasay — Mukhang nabahag ang buntot ni senador Ronald 'Bato' Dela Rosa dahil hindi siya umano pagpayag na magpaaresto sakaling isilbi ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) upang dalhin siya sa The Hague tulad ng kanyang among si dating presidente Rodrigo Roa Duterte na ngayo'y nakadetine sa Scheveningen detention facility sa the Netherlands.

Mariing hinayag ng reelectionist senator na hindi siya susuko o sasama kahit sino pa ang humuli sa kanya—mga dating kabarong pulis o mga kinatawan ng International Criminal Police Organization (Interpol)—dahil kung dapat mang humarap daw siya sa anumang kaso o reklamo ay dito niya dapat haharapin sa Pilipinas.
"Hypothetical? Hindi ako magpahuli. Hindi ako sasama. Hindi ako magpahuli," wika ni Dela Rosa sa panayam sa radyo para sabihin ding wala siyang balak na tumakas o umalis ng bansa.

"Hindi ako lalabas sa aking comfort zone. My comfort zone sa Philippines. Bakit ako pupunta sa ibang bansa? Dito ako sa Pilipinas. Dito ako pinanganak. Dito ako mamamatay sa bansa kung sinilangan," aniya.

Tinukoy ng ICC ang magiting na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) bilang isa sa siyam na mga co-perpetrators sa arrest warrant na sinilbi laban kay Duterte.

Nang tanungin ukol sa reaksyon ni Presidential Communications Office undersecretary Claire Castro na hindi makakabuti ang pagtanggi niyang sumuko, ipinaliwang ni Dela Rosa na ang kanyang desisyon ay bunsod ng nakita niyang 'walang katarungang' pagdakip kay Duterte.

"If you see injustice happening around, are you still going to surrender yourself to the authority?" binalik na tanong din niya sa Ingles.

"Oo, hindi nakabubuti iyong gagawin ko. Pero iyong ginagawa nila, nakakabuti ba iyon sa ating bansa? Iyong hinuli nila at dinala si Pangulong Duterte doon sa The Hague, nakakabuti ba iyon sa ating bansa?" usisang may bahid ng pagkadismaya ng senador.

Pinarunggitan din niya ang dating kasamahang pulis na si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Major General Nicolas Torre III na siyang namuno sa pag-aresto kay Duterte.

"Si General Torre ay lasing sa kapangyarihan. Kung makaasta akala mo, wala nang katapusan iyong kanyang power. Sige lang, nothing is forever dito sa mundo," paalala nito sa hepe ng CIDG.

Ayon naman kay Torre, mali ang pananaw ni Dela Rosa na hindi makatarungan ang pagdakip sa kanyang amo dahil binasahan ang dating pangulo ng Miranda Rights bago inilagay sa kustodiya ng mga awtoridad saka dinala sa Villamor Air Base.
0
"There's no deprivation of legal counsel, iyong medicine niya, food niya, wala po iyon. Naibigay po natin lahat ng iyon,'' pinsndigan ng heneral.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page