

ENTERTAINMENT
PhP 58-M: Halaga ng engagement ring ni Travis Kelce para kay Taylor Swift?

Photo from www.forbes.com
8/27/25, 11:47 AM
Aabot umano sa tumataginting na $1 milyon o PhP58-milyon ang diamond engagement ring na isinuot sa daliri ni Taylor Swift ng kanyang nobyo si professional football player Travis Kelce noong Lunes.
Ito ay ayon sa mga expert jewelers na agad nagbigay ng kuro-kuro tungkol sa “vintage-inspired” na singsing na dinisenyo ng sikat ng New York jewelry designer na si Kindred Lubeck.
Si Lubeck ay may-ari ng Artifex Fine Jelwry at anak na babae ni Jay Lubeck nakilalang goldsmith mula sa Florida.
Agad ipinakita ni Taylor sa kanyang Instagram post ang singsing habang nakatayo ang magkasintahan sa araw ng kanilang engagement na inanunsyo noong Lunes (Agosto 25 sa Pilipinas).
Dalawang taon nang magkasintahan ang dalawa na inaasahang magaanunsyo ng detalye ng kanilang kasal.
“Your English teacher and your gym teacher are getting married,” ayon sa Instagram post ng magnobyo.
Sinamahan pa ito ng litrato ni Kelce habang nakaluhod sa harap ng pop star. May apat pang mga litrato na inilagay sa Instagram.
Suot ni Swift and isang halter-neck na bestida at Cartier watch na may diamante.
Agad naman nakatanggap ng 13 milyon like ang Instagram post ng magiging mag-asawa, marami sa mga bumati ay mga sikat na celebrities.
Kasama si US President Donald Trump sa natuwa sa nalalapit na kasalan.
“I wish them a lot of luck,” sinabi ni Trump. “I think he’s a great player. A great guy. And I think she’s a terrific person.”
