ENTERTAINMENT
Marijuana use ni Nadia Montenegro isang fake news, piskalya kinasuhan ang nag-akusa

Photo from www.policefilestonite.net
3/7/26, 8:30 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Nabaligtad ang sitwasyon ng aktres na si Nadia Montenegro at ang nag-akusa sa kanya ng paggamit ng marijuana matapos na iakyat sa Metropolitan Trial Court ang mga kasong unjust vexation at paglabag sa Safe Spaces Act.
Sa isang resolusyon na inilabas kamakailan ng Office of the City Prosecutor ng Pasay City, nirekomenda ang pagsampa ng dalawang kaso laban kay Victor G. Patelo, staff ni Senador Panfilo Lacson.
Initriga umano ni Patelo ang aktres na nahuli umano ito na gumagamit ng marijuana habang nasa comfort room sa Senado noong Agosto 12, 2025.
Lumaking eskandalo ang nangyari nang umabot ito sa kaalaman ng news media.
Ayon kay Montenegro ang tinutukoy ni Patelo na marijuana ay ang vape na kanyang ginamit sa loob ng comfort room ng persons with disabilities. Sinabi niya na isa siyang PWD.
Dahil sa nangyari, napilitan mag-resign si Montenegro bilang political affairs officer sa tanggapan ni Sen. Robin Padilla.
Binati ni abogada Maggie Abraham-Garduque ang kanyang kliyente matapos na matanggap nito ang resolusyon ng piskalya na pinasasampahan si Patelo ng mga kasong unjust vexation at violation of Section 16 © ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act.
“The resolution categorically stated that despite the fact that he knew that you were not smoking marijuana in the senate of the Philippines on August 12, 2025, the respondent made an incident report which became the basis of the widespread false news against last year not only to your exteme damage and prejudice but to your family as well,” ayon sa Facebook post ni Patelo.
