top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

 

Magandang contestant nalaglagan ng pustiso Miss Grand Thailand 2026 pageant

3/26/26, 9:15 AM

Katatawanan at matinding debate ang laman ng social media sa Thailand matapos na makuhanan sa national television ang paglaglag ng pustiso ng isang contestant para sa Miss Grand Thailand 2026.

Maraming pumupusta na ang pangyayari ay siguradong magiging dahilan ng pagkatalo sa pageant ni Kamolwan Chanago ang kinatawan ng Pathum Thani sa nationwide beauty contest.

Buo pa rin naman ang paniniwala ng mga taong humanga sa kanyang lakas ng loob nang tinapos niya ang pagpapakilala ng kanyang sarili matapos na lumabas sa bunganga ang pustiso.

` Hindi nawalan ng loob si Chanago na tumapos sa kanyang spiel at tumalikod sa audience upang tanggalin nang tuluyan ang lumuwag na false teeth.

Matapos ito, muli na naman bumalik sa stage si Kamolwan para sa evening gown competition. Nakita siyang muling nag-pose at ngumiti ng ng sarado ang bibig.

Sa Marso 28 kokoranahan ang Miss Grand Thailand 2026 sa MGI Hall, Bravo BKK Mall sa Bangkok.

Ang kokornahan auy lalaban sa Miss Grand International 2026 na gaganapin sa india.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page