ENTERTAINMENT
James Van Der Beek, hearthrob ng “Dawson’s Creek” pumanaw, 48

Photo from www.bristolpost.co.uk
2/12/26, 11:42 AM
Pumanaw na ang dating hearthrob na si James Van Der Beek nasumikat sa pagganap niya ng bidang karakter sa “Dawson’s Creek”. Siya ay 48 lamang.
“Our beloved James David Van Der Beek passed peacefully this morning. He met his final days with courage, faith and grace,” pahayag ng pamilya ng aktor sa Instagram post.
Dagdag pa ng pamilya: “ There is much to share regarding his wishes, love for humanity and the sacredness of time. Those days will come.”
Hiniling nila na pahintulutan muna sila ng publiko na magluksa sa pagyao ng aktor.
Bagamat sumikat dahil sa kanyang kakisigan, ginawa niyang katatawanan ang kanyang pagiging macho habangsiya ay nagkaka-edad.
Noong 2024, ipinahayag niya na sumasailalim siya medical treatment para sa kanyang colorectal cancer.
Noong Setyembre, 2025, sinorpresa niya ang maraming tagahanga nang magbigay siya ng video appearance sa “Dawson’s Creek” reunioncharity event sa New York.
Tumigil siya sa paglabas sa long-running television drama series upang magpagamot sa lumalala niyang karamdaman.
