top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

 

Drew Arellano, na may limang anak, umani ng papuri dahil sa pagpa-vasectomy

Photo from Inquirer

4/30/25, 10:40 AM

Ni Samantha Faith Flores

Umani ng papuri mula sa mga kasamahan at tagahanga ang television host na si Drew Arellano matapos na mag-desisyon ito na magpa-vasectomy.

Kasama ang Commission on Population and Development sa mga nagpadala ng pahayag ng paghanga sa Kapuso host na nag-boluntaryo para sa vasectomy, isang medical procedure para mga lalaki na naglalayon pigilan ang kakayahang makabuntis ng mga kalalakihan sa pamamagitan ng pagputol ng paglabas ng sperm ng mga ito.

Noong Lunes, nag-share si Arellano ng litrato habang siya ay nasa ospital habang may mga tubong nakakabit sa kanya.

“Happy late and advanced Mother’s Day to my wife #HappyVA-SEC-TO-MEE#snipsnip#SarapYungSedativeAh”, ayon sa kanyang Instagram post.

Kasal si Drew sa kapwa TV host niya na si Iya Villana. Lima na ang kanilang mga anak sina Primo, Leon, Alana, Astro at bagong panganak na si Anya Love.

Bukod sa CPD, tumanggap din ng paghanga si Drew mula kina Carla Abellana, Camille Prats, Karel Marquez at Rocco Nacino.

“We need more men like Mr. Arellano to encourage men to assume greater responsibility in ensuring the well-being of their partner and their children through responsible parenthood and family planning,” paliwanag ni CPD Executive Director LIsa Grace Bersales sa isang pahayag.

“Good news” ang vasectomy decision ni Drew dahil kakauntil lamang ang mga kalalakihang pumapayag gawin ito, ayon sa CPD.

Sa record ng Philippine Statistics Authority noong 2022, nananatiling 0.1% ng mga kalalakihang Filipino ang nag-papa vasectomy sa loob ng nakaraang limang taon. May 2% naman ang gumagamit ng condom.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page