

ENTERTAINMENT
Claudine Barretto naospital dahil sa depresyon

Photo from bandera.inquirer.net
8/26/25, 8:47 AM
Na-ospital ang aktres na si Claudine Barretto kamakailan lamang dahil sa matinding depresyon.
Ito ang inamin ni Claudine sa kanyang social media post kung saan naglagay din siya ng visuals sa kanyang kuwarto sa ospital.
Nagsimula ang video clip sa pagyakap niya ng matagal at mahigpit sa isang doktor at sumunod naman ay pagkakahiga niya sa hospital bed kasama ang anak na si Noah.
Humingi sa publiko ng pang-unawa at awa ang aktres na matagal na hindi na rin karamihan ang mga proyekto.
“Yes, this is what depression looks like, so please don’t judge,” aniya sa Instagram.
Maraming mga taga-showbiz ang nagpahatid ng pagdamay sa kalagayan ni Claudine.
Kasama dito sina Batangas Gov. Vilma Santos, Small Laude at Vina Morales.
Noong Mayo lamang, nag-share si Claudine ng pahayag ni Direktor Darryl Yap na siya ang kinokonsiderang gumanap bilang si Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang FB post noong Mayor, nagpasalamat si Barretto sa direktor.
Ayon umano kay Yap, hindi pa isiswalat ang buong detalye ng proyekto ngunit si Claudine na ang gaganap bilang si Duterte.
