top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

 

Chuck Norris, nemesis ni Bruce Lee, naospital matapos ang 86th birthday

Photo from www.weekend.at

3/20/26, 6:18 AM

Isinugod sa isang ospital sa Hawaii ang martial arts actor na si Chuck Norris, ilang araw lang matapos na magpahayag siya ng linya “I don’t age” upang ipagdiwang ang kanyang ika-86 na kaarawan.

Nakahakot ng malaking fan base mula sa mga Pinoy dahil sa husay niya sa action movies noong 1970s hanggang 1980s, si Chuck ay itinakbo ng ambulansya sa isang ospital sa Kauai, isang Hawaiian island nito nakaraan weekend.

Ayon sa pamilya niya, si Norris ay “in good spirits”.

Noong isang linggo lamang, na-post ng Instagram video si Norris habang nagpa-praktis ng martial arts kasama ang trainer upang ipagdiwang ang ika-86 na kaarawan niya.

“I don’t age. I level up. I”m 86 today!” natutuwang ipinahayag niya.

“Nothing like some playful action on a sunny day to make you feel young,” dagdag niya.

Dagdag ng dating sparring mate ni martial arts king Bruce Lee: “I’m grateful for another year, good health and the chance to keep doing what I love.”

Talaga umanong kinagigiliwan niya ang social media. Inaasahan ng kanyang pamilya na siya na mismo ang mag-post ng updates tungkol sa kanyang medical condition kapag pinayagan na ng doktor.

Hinangaan si Norris sa kanyang television series “Walker, Texas Ranger” noong kapanahunan ng martial arts era sa entertainment industry.

Tunay na martial arts expert, nakilala siya bilang nemesis ni Bruce Lee sa “Return of the Dragon”, ipinalabas noong 1972.

Magmula noon, naging in-demand si Norris sa marami pang action flicks.

Ilan sa kanyang mga pelikulang tumabo sa takilya ay ang “The Hitman”; “Delta Force”, “Missing in Action”, “Sidekicks” at “Firewalker.

Huli siyang nakita gumanap noong 2020 sa pagbabalik ng sikat na TV series “Hawaii 5-0” noong 2020.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page