top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

 

Breakup ni Catriona Gray at Sam Milby: Hindi handang magpakasal ang lalaki

Photo from mabuhaycanada.org

2/13/26, 11:40 AM

Nauwi ang apat na taong relasyon nina dating Miss Universe Catriona Gray at aktor na Sam Milby dahil umano sa hindi handa ang binata sa pag-aasawa bagamat nag-propose na ito ng kasalan.

Ito ay napagalaman,sa isang panayam ni Karen Davila sa dating international beauty queen.

ipinaliwanag ni Catriona na nagkaroon ng lamat ang relasyon kay Milby nang mapagtanto ng aktor na hindi pa nga siya handa sa susunod na :”stage of commitment”, at ito ay ang pagpapakasal sa kasintahan.

Ayon Catriona dati nang pormal na nagyaya si Sam na magpakasal na sila.

“And then, a few months later, he realized that hindi pala siya ready. So that was very hurtful for me and I was really blindsided at the time,” malungkot na pahayag ng dalaga.

Ayon sa kanya ginawa na niya ang lahat upang mapalakas ang kanilang relasyon.

“I truly tried to make it work so I was willing to adjust ‘cause siguro when you love someone you are willing to understand them. Pero it got to a point na at that age and what we’ve been thorough kung hindi pa rin sure I think that’s an answer already,” sinabi ng Miss Universe 2018.

Naging masakit kay Catriona ang hiwalayan nila.

“It was one of the hardest things to do but I realized I needed to choose myself in that moment because I’ve already given so much in trying to adjust, ako ang mag-gi-give dito, it’s okay I will be understanding,” sinabi niya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page