top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Senior na nakaratay sa higaan, nasawi sa sunog sa Cebu

3/28/26, 12:30 PM

Patay na nang matagpuan ang isang isang 71-anyos na senior citizen na na-trap sa nasusunog niyang bahay sa Talisay City, Cebu, ayon sa report ng pulisya nitong Sabado (Marso 28).

Bedridden umano ang biktima at hindi na ito nakahingi ng tulong nang masunog ang kanyang bahay bandang alas-11 ng umaga noong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon bukod sa bahay ng biktima, may 19 pang mga istruktura na gawa sa kahoy ang nasunog.

Iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog dahil sa bigla itong lumakas isang oras matapos na mai-report sa mga istasyon ng bumbero.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ukol sa pagkakakilanlan ang nasawing biktima na matagal na umanong nakaratay sa kanyang higaan.

Wala nang iba pang nasaktan sa nasabing sunog na naging sanhi ng pagkawalan ng bahay ng may 35 pamilya.

Ang mga nawalan ng tahanan ay pansamantala munang pinatira sa barangay hall.

PRP.jpg
Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page