top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Mga senior citizens may “love offering” bigay ng Cebu City LGU

2/14/26, 11:17 AM

Maligayang Valentine’s Day ang sumalubong sa mga senior citizens sa Cebu City matapos na pangunahan ng lokal na pamahalaan ang pag-bibigay ng cash aid.

Ayon kay Mayor Nestor Archival sinimulan ang payout sa ilalim ng Senior Citizens Financial Assistance Program sa bisperas ng Valentines Day noong Pebrero 13.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga senior citizens hanggang Pebrero 15.

Sinabi ni Archival na bawat benepisaryo ng program ay nakakuha ng kabuuang PhP2,000. Ang mga seniors na kwalipikado sa programa ay tumatanggap ng PhP1,000 sa bawat buwan.

Idiniin ni Archival na ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay isang “love offering” para sa mga nakatatandang taga-siyudad ng Cebu.

PRP.jpg
Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page