SENIOR CARE
Megastar Sharon Cuneta ikinatuwa ang Senior Citizen ID: “AGING, MY FRIENDS, IS A PRIVILEGE!!!”

Photo from www.gmanetwork.com
2/12/26, 11:16 AM
Ni Rasel Joyce Flores
Buong pagmamalaking ipinakita ni megastar Sharon Cuneta Pangilinan ang kanyang senior citizen identification card habang idiniin na ang pagdating sa edad na 60 ay isang pribilehiyo.
“AGING, MY FRIENDS, IS A PRIVILEGE!!! Thank You, Lord!” isinulat ng maybahay ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa kanyang Instagram.
Sa social media rin niya inilagay ang senior citizens card na inisyu sa kanya ng lokal na pamahalaan.
Naging opisyal na kasapi na si Sharon ng senior citizens club noong ipagdiwang niya ang ika-60 kaarawan noong Enero 6. Ipinanganak siya noong 1966.
“Heto na siya (Siempre inalis ko ibang info, pero ito na Senior Card ko!!!) Hahahaha!!! Yahooo!!!!” masayang sinabi ng megastar.
Ayon sa kanya dapat ikatuwa at ipagmalaki ang bagong yugtong ito sa kanyang buhay.
Nagpahayag rin ng pagkatuwa si United Senior Citizens Partylist Rep. Mila Aquino-Magsaysay, tagapangulo ng Committee on Senior Citizens sa Mababang Kapulungan.
“Sharon is very correct to welcome her becoming a senior citizen and in declaring that joining our ranks is a privilege. Indeed, it is a God given privilege, said Aquino-Magsaysay.

