top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Maliit na munisipyo sa Davao Oro namimigay ng PhP1K sa lahat ng seniors

2/20/26, 3:30 PM

Ni Ralph Cedric Edralin

Maituturing na maswerte ang mga senior citizens sa Mawab, kilala bilang bibingka capital ng Davao region, kumpara sa maraming malalaking munisipyo man o siyudad sa bansa.

Bagamat hindi masyadong mayaman, ang pamahalaang lokal ng Mawab ay nagsimula nang magpadalan ng PhP1,000 sa bawat nakatatandang residente sa lugar.

Ipinahayag ni Mayor Myrill Apit na ang programang cash birthday gift ay bahagi ng higit na malaking agenda ng kanyang administrasyon na patatagin pa ang social protection para sa mga senior citizens.

“In Mawab, our lolos and lolas are not only remembered - they are honored,” sinabi ni Apit sa isang panayam.

Ayon sa alkalde ang programa ay isang pagpapakita ng pagkilala sa nai-ambag ng mga senior citizens sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng kanilang lugar.

Ito rin ay nagpapakita ng pagmamahal at pagrespeto ng Mawab sa mga senior citizens.

PRP.jpg
Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page