

SENIOR CARE
Malawakang zumba program para sa senior citizens sisimulan sa Davao City - Rep. Duterte

Photo from pinterest.com
8/27/25, 11:14 AM
DAVAO CITY - Magsasagawa ng malawakang zumba exercise program si Davao City First District Rep.Paolo Duterte para sa mga senior citizens sa kanyang distrito simula Setyembre 1.
Gaganapin sa Barangay Catalunan Grande ang community-based fitness program ay magkakaroon ng tema na “Enhancing Wellness: A Comprehensive Fitness and Awareness Initiative for Senior Citizens and Davaoeños.”
Ayon kay Duterte nilalayon ng programa na palaganapin ang malusog na pamumuhay at udyukan ang mga senior citizens na magkaroon ng physical activity.
“This is not just about exercise - it is about creating a culture of wellness in every barangay, especially for our senior citizens,’ paliwanag ng kongresista.
Dagdag niya: “We want them to stay active, healthy and socially connected while inspiring younger generations to embrace fitness.
Inaasahan higit sa 100 nakatatandang taga-Davao City ang sasali sa kick-off activity na sisimulan alas-5 ng umaga sa Setyembre 1.
Maraming mga barangay din ang makikilahok sa zumba program upang maging malapit din sa isa’t-isa ang mga miyembro ng komunidad.
Ayon sa tanggapan ni Duterte isasagawa ang zumba program sa 53 barangay ng Distrito 1 sa mga darating na linggo.

