top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizens magkakaroon ng sariling geriatric specialty hospital

3/2/26, 5:00 AM

Ni Samantha Faith Flores

Hindi na magtatagal at magiging ganap na batas na ang bill na naglalayong magtaguyod ng ospital para sa pangangailangan pangkalusugan ng mga senior citizens sa bansa.

Inihanda na ngayon Marso ang bicameral conference committee upang pagkaisahin ang sari-sariling bersyon ng Senado at Mababang Kapulungan ng panukalang matataguyod ng Philippine Geriatric Center.

Kamakailan ay nagkaisa ang 23 senador ng bansa na ipasa Senate Bill 1509 upang itaguyod ng tertiary specialty hospital para sa mga senior citizens ng bansa.

Sa botong 23-0, ipinasa sa ikatlong pagbasa ang Senate Bill 1509 para sa pagtaguyod ng PGC sa ilalim ng Department of Health.

Si Sen. Mark Villar ang pangunahing nag-akda ng bill para sa pagbibigay

ng mura, may kalidad at agarang hospital care para sa pag-iwas, rehabilitasyon, paglunas, pagpapagaling ng mga karamdaman ng mga nakatatandan.

Una nang inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang bersyon ng nasabing bill na inihain ng ilang kongresista sa pangunguna ng mga neophyte solons na sina Reps. Cloyd Alexis Galang (2nd District, Valenzuela City); Agatha Paula Cruz (5th District, Bulacan); Iris Marie MOntes (4K Partylist) at Girlie Veloso (Malasakit Partylist).

Idiniin ni Galang ang mahigpit na pangangailangan ng ospital para pangalagaan ang kalusugan ng mga senior citizens sa bansa.

Isa sa mga dahilan, ayon kay Galang, ay inaaasahang transisyon ng bansa bilang isang “aging population” na mangyayari sa loob ng limang taon, 2025-2030.

“The increasing number of older people will have implications for their pensions and their overall health,” paliwanag ng Valenzuela solon.

Sa kanyang panukala, ipinahayag ni Cruz ang kanyang pagkabahala sa tumataas na insidente ng pagkakasakit at kamatayan ng mga senior citizens dahil sa noncommunicable diseases na tulad ng sakit sa puso, high blood, diabetes at chronic kidney diseases.

Dagdag pa dito ang maraming “geriatric syndromes” kasama ang dementia, panghihina at pagbagsak na kinakaharap ng maraming matatandang Filipino.

Ayon naman kay Veloso: “By dedicating a national institutiion to geriatric care, the government ensure that enior citizens receive the specialized services they deserve while setting a standard of excellence for all healthcare facilities.”

Ipinaliwanag ni Montes na ang populasyon ng kwalipikadong senior citizens ay umaabot na sa lagpas 12.3 porsiyento ng populasyon ng bansa.

“This measure embodies the State’s constitutional duty to promote the right to health and social justic e. It responds to the pressing need to build a healthcre system that respects the dignity and well-being of our senior citizens,” sinabi ni Montes.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page