top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizen pinatay ang asawa dahil selos; pangungulit ng biktima

9/1/25, 10:10 AM

Ni Samantha Faith Flores

Sinaksak sa leeg at pinatay ng isang lalaking senior citizen ang kanyang asawa sa Cainta, Rizal dahil umano sa matinding pagseselos.

Dead on the spot ang biktimang kinilala lamang sa pangalan Criselda. May tama siya ng saksak sa kanang bahagi ng leeg.

Nahuli naman ang salarin na kinlala sa pangalang “Pedro”.

Kapwa 60 anyos ang mag-asawa.

Sa statement na ibinigay ng 26-anyos na anak ng mag-asawa, umuwi ng lasing ang kanyang ama at agad tumuloy sa kinaroroonan ng kanyang asaw upang konprontahin.

Maya-maya, nakita na lamang ng testigo na duguan sa bandang leeg ang kanyang ina at tumumba sa sahig. Hindi na ito naitakbo sa ospital.

Sa scene-of-the-crime investigation, napansin ng mga imbestigador na nagkaroon ng labanan ang mag-asawa sa loob ng bahay.



Inamin ng suspek na siya ang sumaksak sa asawa. Ipinaliwanag nito na matagal na silang hiwalay ng asawa ngunit madalas siyang pinupuntahan ng biktima upang awayin.

Noong gabing nangyari ang insidente,pinuntahan niya ang asawa at dito na sila nagkaroon ng pisikalan.

Kasong parricide ang isasampa laban sa salarin.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page