top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizen nanunog ng magkasintahan bibitayin sa Mayo 20

Photo from www.ktvb.com

3/28/26, 10:45 AM

PHOENIX, Arizona - Isang senior citizen na nanunog ng isang lalaki at kanyang kasintahan ang nakatakdang bitayin sa pamamagitan ng lethal injection sa Arizona, USA sa darating na Mayo 20.

Ito ay napag-alaman matapos na ipalabas ng Arizona Supreme Court ang kautusan para sa pagbitay kay Leroy D. McGill.

Napatunayang nagkasala si McGill ng mga krimen na arson, endangerment, attempted murder at first degree murder sa isang desisyon ng jurors noon 2004.

Ayon sa korte na nagbaba ng sentensyang kamatayan kay McGill, ang akusado ay nagkasalang pumatay kay Charles Perez matapos na akusahan ng biktima at ng kanyang kasintahan na ninakawan sila nito ng isang shotgun.

Noong Hulyo 13, 2002, pinasok ni McGill ang tinitirahang apartment ng magkasintahan, binuhusan ng gasolina ang mga ito at sinindihan ng posporo

Bagamat nasusunog ang kanilang mga damit at katawan, parehong nakatakbo ang dalawang biktima palabas ng kanilang apartment.

Nagtamo ng malalang pagkasunog sa katawan ang babae ngunit hindi naman nakaligtas sa kamatayan si Perez.

Sa pagbaba ng verdict, sinaby ng jury na ang ginawang krimen ni McGill ay lubhang malupit at isinagawa sa paraang “especially heinous or depraved.”

Ginawa ni McGill ang krimen noong siya ay 24 anyos pa lamang.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page