top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Pamamahagi ng social pension para sa 291,507 Bicol senior citizens ikinasa

Photo from batangascity.gov.ph

3/10/26, 7:40 AM

NI Samantha Faith Flores

Maglalabas ng PhP3.49 bilyon ang Department of Social Welfare and Development Region * (Eastern Visayas) para sa ikinakasang payout na ipamamahaging social pension para sa 291,507 na hikahos na senior citizens sa rehiyon.

Ayon kay Jonalyndie Chua, information officer ng DSWD-8, pinaigting na ang koordinasyon ng kanilang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan na tutulong sa pamamahagi buwanang pensyon.

Aabot sa 291,507 na nakatatandang Filipino ang nakwalipika upang tumanggap ng PhP1,000 kada buwan na pensyon galing sa pamahalaan. Ang lahat ng ito ay walang tiyak na pinagkakakitaan at pawang walang pensyon na natatanggap.

“This year, the DSWD field office reaffirms our commitment to beneficiaries and stakeholders through the sustained and strengthened implementation of the program. We ahve been preparing for the release of funds to LGUs for the upcoming year under the Transfer of Funds (FoF) modality,” paliwanag ni Chua sa newsmedia.

Sa ilalim ng ToF, ang badyet pra sa social pension program ay direktang ililipat ng DSWD sa mga LGU’s.

Inaasahan ng kagawaran na higit na magiging mabilis at epektibo ang sistema ng pamamahagi ng p[ensyon sapagkat maluwag sa pagimplementa ang ganitong modality.

Ipinaliwanag ni Chua na ang mga LGUs ay nasa higit na mainam na posisyon upang maipamahagi ng maayos ang tulong pinansyal ng pamahalaan.

Ayon sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 ang bawat kapos na senior citizens na kwalipikado at tinanggap ng DSWD bilang benepisaryo ng program ay magkakamit ng PhP1,000 bawat buwan.

Ang pensyon ay ipinamamahagi kada tatlong buwan o quarterly.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page