top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Ni-raid sa Hollywood mansion sa $17.4-M mortgage scam bumibiktima ng mga seniors; 11 katao dinakip

Photo from www.foxnews.com

3/23/26, 10:45 AM

HOLLYWOOD, California - Ni-raid ng mga armadong Federal Bureau of Investigation agents ang isang mansion dito na inookupahan ng isang sindikatong bumibiktima ng mga senior citizens sa pamamagitan ng property mortgage scam.

Ilang suspek ang pinosasan matapos ang raid sa lugar na pinamumugaran umano ng 11-man syndicate na aktwal na nang-scam na umano ng higit sa $17 milyon mula sa mga nabiktimang elderly citizens na nagmamay-ari ng mga real estate properties.

Dalawang dayuhan sa Amerika - isang Iranian at isang Azerbaijani, ang kasangkot din sa ilegal na iskema ng pagsasanla ng mga real property ng mga seniors at pagbubulsa ng mga perang napagsanlaan.

Inaasahan din na kukumpiskahin ng mga awtoridad ang mga luxur vehicles na umano ay nabili ng mga miyembro ng sindikato mula sa perang nakulimbat ng mga ito.

Ang raid ay parte ng Operation Hard Money na isinagawa ng FBI matapos na mabatid ang lumalalang raket.

Ayon sa report, isang lalaki ang nakuhanan na agad pinosasan at agad isinailalim sa interogasyon.

Sa pahayag ni Bill Essayli, isang US assistant attorney, ang FBI raid ay ikinasa laban sa mga taong nasa likod ng sopistikadong panloloko ng mga US citizens.

Siniguro ni Essayli na makukulong ng matagal ang mga sangkot sa sindikato.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page