top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Mag-asawang Pinoy dinakip sa human trafficking para sa pag-aaring elderly home care

Photo from KSWB-TV San Diego

4/6/26, 10:45 AM

LOS ANGELES, California - Nahaharap sa 19 taon pagkakakulong ang mag-asawang migranteng Filipino sa Amerika na nasangkot sa mga kasong kriminal kaugnay ng pagpapatakbo nila ng isa sa dalawang elderly homes sa California.

Inakusahan sa korte ang mag-asawang sina Maria at Rolando Corpuz at pareho silang nag-deklara ng “not guilty” pleas.

Mga kasong labor trafficking at wage theft ng tatlo sa kanilang mga tauhang Filipino na pare-parehong hindi dokumentadong manatili sa Estados Unidos.

Ang mga undocumented Filipino health workers ay hindi umano pinapasweldo ng naaayon sa batas at pwersadong pinag-aalaga ng mga senior citizens na maysakit sa isang home care facility sa Garden Vista, San Diego na pag-aari ng mag-asawang Corpuz.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang operasyon sa isa pang elderly home na pinagtatakbo ng mga Corpuz sa Escondido, San Diego.



Matapos ang inquest noong isang linggo, agad naglagak ng $300,000 bail ang mag-asawa na naging dahilan ng kanilang pansamantalang paglaya.

Tinanggihan ng huwes ang pakiusap ng prosecution na ilagay sa $1-milyon ang piyansa para sa dalawa.

“They withheld a portion of her meager wages every month, promising an immigration attorney to help her gain full immigration status,” ayon sa ulat ukol sa reklamo ng isa sa tatlong PIlipinong nagrereklamo.

Bagamat walang mga training bilang health workers, pinilit umano ang tatlong Pilipino na mag-alaga ng mga may sakit ng senior citizens sa senior care facility ng mag-asawa. Marami sa mga naninirahan sa facility ay paralisado at hindi nakapagsasalita.

Ngunit pinag-iineksyon at at pilit silang pinakikilos bilang mga health worker


”Round the clock” umano ang trabaho ng mga nagrereklamo na kumikita ng suweldong $7 bawat oras.

Ngunit nakatatanggap lamang umano ng $4,000 kada buwan ang tatlo dahil ang malaking bahagi ng kanilang suweldo ay ikinakaltas para sa kanilang mga legal fees.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page