BALITANG SENIOR
Lola Bebang, 110, pambato ng Pilipinas sa mundo ng patandaan - Rep. Tolentino

Photo from www.rappler.com
3/14/26, 11:30 AM
Ni Samantha Faith Flores
Si Lola Bebang ng Mendez-Nunez, na mahilig kumanta at matatas magsalita ng wikang Ingles ang tinatayang pinakamatandang Filipino sa edad na 110.
Ito ang paniwala ni Cavite 8th District Rep. Anniela Bianca D. Tolentino ng kanyang ihain ang House Resolution No. 670 bilang pagkilala kay Genoeva Ferma Garcia, kilala bilang si Lola Bebang.
Ayon kay Tolentino, isa sa pinakabatang kongresista ng bansa, nararapat lamang kilalanin si Lola Bebang sa kanyang kakaibang narating na edad at naging modelo ng disiplinadong pamumuhay at masayang disposisyon sa buhay.
Umabot sa 110 si Lola Bebang sa gitna ng pagkakaroon ng bansa ng life expectancy na 71 anyos.
“Life expectancy is a factor in measuring the human development index of countries, it is used in describing the physical quality of life of a nation,” paliwanag ni Tolentino.
Dagdag ng mambabatas: “Life expectancy of a certain area demonstrates that there are ample medical care and proper social support in the place.”
May limang taon lamang ang agwat ng edad ni Lola Bebang kay Ethel Caterham ng Surrey, United Kingdom, na may kasalukuyang edad na 115.
Sa record ng supercentenarian research organization LongeviQuest, si Caterham
humalili bilang oldest living person in the world kay Sister Inah Canabarro Lucas na isang Katolikong madre sa Brazil.
Pumanaw sa edad na 116 taon, 326 araw si Sister Inah noong Abril 30, 2025.
Ayon kay Tolentino dating mananahi at magsasaka si Lola Bebang noong kanyang kabataan.
Siya ay napangasawa ni Sixto Garcia, isang dating waiter ng Taas Vista Hotel sa Tagaytay City, at nabiyayaan sila ng siyam na anak. Pumanaw na si Sixto at dalawa sa kanilang anak.
“Lola Bebang is known to be a jolly person, she can often be heard singing. She is not a picky eater and she gets emotional support from her living children and relatives,” magiliw na paglalarawan ng kongresista sa Filipino supercentenarian.
Diin ni Rep. Tolentino: “In reaching the age of 110 years old, Lola Bebang achieved a great feat that is worth acknowledging by the House of Representatives.”
“Her long life shjows that with the proper eating habits, emotional support, and great environment, a Filipino can have a long life,” ayon sa second term solon.
Dagdag ng kongresista: “Lola Bebang can be truly looked up to and be emulated. The lifestyle and the happy disposition of Lola Bebang can be used as an example in helping other Filipinos live a long life.”
