top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Kilalang peryodista Johnny Dayang pinatay; pagpaslang kinondena ng media

4/30/25, 5:50 AM

Ni Samantha Faith Flores

Pinaslang ang beterano at respetadong peryodista na si Johnny Dayang sa loob ng kanyang tahanan sa Kalibo, Aklan nitong Martes ng gabi (Abril 29).

Ang 89-anyos na kilalang newsman at publisher ay nanonood ng telebisyon sa sala ng kanyang bahay sa Barangay Andagao nang pasukiin ng isang gunman at pagbabarillin.

Tumakas ang suspek lulan ng isang motorsiklo.

Naitakbo pa sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang biktima ngunit naideklarang dead on arrival. siya ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan,.

Agad kinondena ng Publishers Association of he Philippines INc. (PAPI) ang pagpasalang sa senior citizen na biktima.

“Hindi niya deserve ang cruel and senseless end,” sinabi ni Nelson Santos, kasalukuyang pangulo ng PAPI.

“We join the entire media community in demanding justice for our Chairman Emeritus and his family,” dagdag ng PAPI president.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pagpaslang ang pagkakakilanlan ng suspek.

Naniniwala ang mga imbestigador na may kasama ang gunman at maaaring kilala siya ng biktima.

Dating kolumnista ng mga pahayagang Tempo at Balita si Dayang. Ang mga publikasyon ay sister companies ng Manila Bulletin na pag-aari ng Yap family.

Bago mamabay, matagal na nagsilbi si Dayang bilang pangulo ng Publishers Association of the Philippines Inc. na kinabibilangan ng mga pangunahing pahayagan sa bansa.

Siya ay founding president ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines.

Naging pangulo rin siya ng Manila Overseas Press Club at naging kalihim ng National Press Club, mga pangunahing samahan ng mga nagta-trabaho sa news media sa bansa.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page