top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Inatakeng 80-anyos na driver sanhi ng karambola ng 7 sasakyan sa gasolinahan

3/12/26, 9:00 AM

Ni Annietha Fae Mar

Isang octogenarian na umanoy inaatake sa puso ang naging sanhi ng karambola ng pitong sasakyan na nakapila sa gasolinahan sa Quezon City.

Ito ang lumalabas sa imbestigasyon na isinasagawa ng QC traffic division matapos na humingi ng responde ang mga tauhan ng gasolinahan.

Nangyari ang insidente sa isang gasolinahan noong Linggo (Marso 8).

Wala naman nasugatan sa insidente na nagdulot ng panic at kaguluhan sa nasabing gasolinahan.

Ayon sa mga imbestigador, katatapos lamang magpakarga ng gasolina ang lolo at nagpapahangin na lang ng kanyang gulong nang bigla itong makaramdam ng paninikip ng dibdib,.

Dahil napangunahan na rin ng takot at pagkalito, umatras-abante ang minamanehong sasakyan ng senior citizen sa loob ng gasolinahan.

Pitong sasakyan na pawang nakapila upang magpakarga ang nahagip ng sasakyan ng lolo.

Hindi na nagharap ng reklamo ang mga nabanggap ng sasakyan ng octogenarian ngunit pinangakuan sila ng pamilya ng lolo na babayaran nila ang gastos sa pagpapagawa ng mga napinsala.

Samantala, nasa mabuting lagay naman ang senior citizen at inaasahang ilalabas agad siya sa ospital

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page