top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Sikat na vloggers sinibak sa Facebook dahil sa online gambling, e-sabong

3/10/26, 7:45 AM

Ni Joyce Sabado

Ipinag-utos ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang daglian at permanenteng pagtanggal sa mga Facebook pages ng apat na kilalang social media influencers dahil sa patuloy na panghihikayat nila sa pagtangkilik ng ipinagbabawal na online platform ng ilegal na sugal.

Kinilala ni acting CICC Executive Director Renato Paraiso ang online influencers na sina Miss Ginbilog na may 6.8 million followers; Vic Desucatan, 6.9 million followers; Perkz Gaming, 1.1 million followers at Awit Gamer, 450,000 followers.

Sa imbestigasyon ng CICC napatunayan na ang mga nasabing FB influencersay aktibong nag-aanunsyo ng mga unlicensed online c asino at e-sabong platforms that lumalabag sa Philippine cybercrime at regulasyon sa pagssugal.

Ang pag-take down ay ipinatupad sa tulong ng Meta, ang kumpanyang namamahala ng Facebook.

Ayon kay Paraiso ang kilos na ito ay parte ng matinding kampanya laban sa ilegal na online gamgling.

Nagbabala ang CICC na ang mga vloggers at iba pang online personalities ay makaaasa ng ganitong pagkilos ng pamahalaan kung patuloy nilang tatangkilikin ang ipinagbabawal na online gambling at hihikayatin ang kanilang followers na magsugal.

Hindi naman binaggit ng ahensya kung sasampahan ng kaukulang demanda ang apat ng bloggers.

Samantala, nanawagan ang CICC natumulong ang publiko upang masawata ang ilegal gambling sa internet. Ang sinumang may impormasyon ukol sa mga online gambling ay maaring magreport sa Hotline 1326.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page