

TRUTH VERIFIER
PAGASA nagbabala sa ‘fake news’ na anim pang bagyo ang darating

7/22/25, 8:35 AM
“Fake news” ang viral nag social media posts na nagbabalita na anim pang tropical cyclones ang papasok sa Philippine area of responsibility ngayong linggo.
Sa isang pahayag, nagbabala ang weather agency Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko na huwag paniwalaan ang social media posts na ipinakakalat ng mga manloloko.
Nakiusap naman ang ilang mga pamahalaang lokal sa mga netizens na huwag nang i-share pa ang mga nasabing maling balita upang hindi na mangamba pa ang mga mamamayan.
Kamakailan lamang naging viral online ang mensahe na nagsasabing anim na malalakas na bagyo pa ang inaasahang pumasok sa PAR ngayon linggo.
Sinabi rin ng mga manlolokong nagpapakalat ng balita na mayroon na rin deklarasyon ang pamahalaan na wala nang pasok.
PInakiusapan naman ng PAGASA ang mga mamamayan, higit ang mga netizens, na ugaliing magberepika sa mga official channels ng pamahalaang ng mga update tungkol sa kalagayan ng panahon.
“Ugaliing i-Verify ang impormasyon mula sa official website aat verified social media pages ng DOST-PAGASA at iba pang ahensya ng gobyerno,” sinabi ng PAGASA.
“Hindi totoo ang kumakalat na impormasyon na may anim na bagyo na papasok sa Pilipinas ngayong linggo. Maling impormasyon din ang suspensyon ng klase na iniuugnay dito,” pahayag ng weather agency.