top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Fake news: Pagsuporta ni Dingdong Dantes sa pres’l bid ni VP Sara

Photo from bandera.inquirer.net

2/21/26, 7:49 AM

Ni Ralph Cedric Edrallin

Fake news ang kumakalat na umanoy pahayag ng aktor na si Dingdong Dantes na susuporta siya sa kandidatura ni Bise President Sara Duterte sa pagka-pangulo.

Sa kanyang Facebook post, pinabulaanan ng Kapuso Primetime King ang post ng isang netizen sa social media account na sinasabing pro-Sara ang aktor.

Sa post, sinabi ng netizen: “Dingdong Dantes said, “Nakakatakot ‘pag nanalo si VP Sara. Nakikita ko sa kaniya ang tapang, talino at abilidad na may kakayahang mamuno gaya ng kaniyang ama.”

Mariing tinanggihan ni Dantes na ito ay sinabi niya.

“Hindi ko ito sinabi,” pahayag niya.

Nagpahayag ang bise presidente ng kanyang planong lumaban sa pagka-pangulo noon Pebrero 18.

Ang deklarasyon ni Duterte ay agad naging tampulan ng maraming iba’t-ibang reaksyon, mga pekeng balita, pagkilingsa at paninira sa kanya sa social media.

Sari-sari rin ang mga pahayag na umanoy galing sa mga sikat na celebrities katulad ni Dingdong.

Ang deklarasyon ni Duterte ay kasunod ng pagsampa sa Mababang Kapulungan ng dalawang impeachment cases na magtatangkang diskwalipikahin siya sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa darating na 2028.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page