top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Bilyonaryong construction magnate nang-agaw ng cap; kinamumuhian ngayon sa social media

9/1/25, 6:35 AM

Ni Rasselle Joyce Sabado

Dahil sa pag-agaw ng cap na ibinibigay ni Polish tennis professional Kamil Majchrzak sa isang batang fan sa US Open, isang kilalang bilyonaryo mula sa Poland ang umaani ng milyon-milyongbashing sa social media.

Naging viral ang ginawang pag-bully ng construction magnate na si Piotr Szczerek sa 11-anyos na batang nakilala lamang bilang si Brock. Nakunan ng maraming tennis fans ang nangyari at ito ay lubha nilang ikinagalit.

Si Szczerek ay may-ari ng pinakamalaking asphalt company sa Poland at isa rin tennis fan.

Mula sa pagiging CEO, nakilala na rin siya sa social media bilang the “most hated man on the internet” dahil sa umanoy brutal na pagtrato niya kay Brock.

Nakita sa mga social media post kung paano inagaw ng mamang si Szczerek ang cap na tinanggal ni Majchrzak sa kanyang ulo upang ibigay kay Brock.

Kitang kita sa video ang kagaspangan ng mayamang Polish dahil hindi naman sa kanya ibinibigay ni Majchrzak ang kanyang cap bilang souvenir.

Bakas sa mukha ng mahiyaing si Brock ang pagkabigla sa pag-abot ni Majchrzak kaya medyo mabagal pa ang pagkuha niya ng cap. Ngunit bagamat hawak na ng bata ang cap, inagaw pa rin ito ni Szczerek at itinago sa bag.

Kapwa nasa bleacher sina Szczerek at Brock noon nang lumapit si Kamil upang magpasalamat sa pagsuporta ng mga fans sa kanyang pagkakapanalo sa singles men’s match laban kay ninth seeded Karen Khachanov.

Bagamat kontrabida ang tingin kay Szczerek sa cyberspace, tila hindi umano ininda ito ng bilyonaryo na may sariling private tennis court sa kanyang compound sa Poland.

“Ah yes, I took it. Yes, I did it in a rush. But as always, first come, first served is life,” ito umano ang statement na inisyu ng construction magnate sa isang pahayag.

Ayon sa mga kritiko, hindi naman first come first serve ang nangyari sapagkat malinaw sa mga video na para kay Brock talaga ang cap.

Photo from WHERE IS THE BUZZ

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page