TRUTH VERIFIER
Balitang ‘energy lockdown’ isang malaking fake news - DOE

4/6/26, 11:00 AM
Ni Ralph Cedric Edralin
Mga sinungaling at mapag-gawa ng kaguluhan ang mga nagpapakalat umano ng maling impormasyon na magkakaroon ng “energy lockdown” sa bansa.
Ayon sa Department of Energy ang impormasyong kumakalat sa social media ay “fake news” na dapat hindi na i-share pa.
“Mag-iingat sa fake news. May kumakalat na mga post online tungkol sa umanoy energy lockdown na gumagamit ng logo ng Department of Energy (DOE),” ayon sa pahayag ng departamento.
Dagdag ng DOE: “Fake news ito. Walang ganitong anunsyo mula sa DOE.”
“Mayroon din AI-generated videos na nagpapakalat ng hindi totoong balita tungkol sa energylockdown. Hindi ito totoo at hindi nagmula sa DOE,” ayon pa sa ahensya.
Ibayong pag-iingat ang pakiusap ng DOE sa publiko.
“Patuloy ang monitoring at koordinasyon ng DOE at ng industriya upang matiyak ang tuloy-tulon at sapat na suplay ng enerhiya at kuryente sa bansa,” sinabi ng DOE.
Ayon naman sa Malacañang nagsimulang kumalat ang bogus na balita ng energy lockdown na umanoy magsisimula sa Abril 20.
Tinikyak ng tanggapang ng punong ehekutibo na pananagutin ang mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news patungkol sa suplay at presyo ng enerhiya sa bansa.
