TRUTH VERIFIER
“Payong” sa Rolls Royce ni Discaya naibenta ng PhP29-M lamang
.jpg)
Photo from Pep.Ph
2/11/26, 10:53 AM
Ni Samantha Faith Flores
Naibenta lamang sa halagang PhP 29 milyon ang “payong na may kasamang Rolls Royce Cullinan” na dating pag-aari ng kontrobersiyal na flood control contractor na si Sara Discaya.
Naging tampulan ng biro ang pang-yayamanin na Rolls Royce nang pa-cute na sinabi ni Discaya na ang nagustuhan niya sa luxury vehicle ay ang libreng payong na kasama sa pagbili niya ng sasakyan.
Dalawang beses munang nai-deklarang failed bidding ang pag-subasta sa Rolls Royce na may dating floor price na PhP 45.3 milyon.
Mula sa ganitong halaga, nagpasya ang Bureau of Customs na ibaba na lamang sa halos kalahati ang presyo. Dito na naibenta sa halagang PhP29 milyon ang nasabing kotse.,
Ang nakabili ay ang bilyonaryong si Pio Velasco na may-ari ng Igorot Stone Kingdom, Inc., isa sa mga kinagigiliwang pasyalan ng mga turista sa Baguio City.
Ayon kay Velasco nag-interes siyang bilhin ang Rolls Royce para i-preserba ang kasaysayan.
“It’s historical kasi it opened the flood gates, the interest of the nationn in this rampant corruption. Siguro idi-display namin to make the people aware that corruption does not pay,” paliwanag niya.
Ang luxury vehicle ay inaasahang magiging isasa mga atraksyon sa theme park ng pamilya ni Velasco.
Si Velasco ay isa ring contractor ng Department of Public Works and Highways na nakapanalo sa bidding para sa maraming road at drainage projects para sa Baguio City.
Pinabulaanan nito na malaki ang kanyang construction firm.
